Monday, March 13, 2017

Edukasyon o Pera ?

        Marami ang mga magulang na kahit gaano man kahirap ang kanilang trabaho,nagsisikap parin sila upang pag-aralin ang kanilang mga anak.Meron ding mga kabataan na nagsisikap kahit ipagsabay nila ang pag-aaral at makamit ang mga hangarin sa buhay.Ngunit may mga mayayamang tao na hindi pinapahalagan ang edukasyon dahil umaasa sila sa kayamanan.Minsan iniisip din nila,bakit pa sila mag-aaral kung ang yaman ay kanila ng nakamit at lahat ng kanilang gusto ay kanila nang mabibili.At meron ding iba na mas gugustohin nilang magtrabaho para magkapera kaysa sa pag-aaral.Ngunit kung ikaw ang papipiliin, "EDUKASYON O PERA" ? Alin sa tingin mo ang mas mahalaga ?
Image result for edukasyon        Edukasyon ang nagbibigay kaalam upang matuto tayo sa mga bagay-bagay,magsulat,magbasa at iba pa.Ito rin ang nagmulat sa atin sa pagiging mangmang o walang alam.Ito ang nagsisilbing susi upang maabot ang ating mga hangarin o mga pangarap.Ito ang daan patungo sa magandang buhay gaano man kahirap ang iyong katayuan na tinatahak.Ito rin ang kasangkapan o sandata na panglaban o panangga sa mga taong maliit ang tingin sa iyo at maabuso.Kasi kung mero  kang pinag-aralan mataas at irerespeto ka ng mga taong makakasalamuha mo dahil alam mo ang iyong mga karapatan at meron kang maipagyayabang sa kanila.Ito rin ang nag iisang pamana ng iyong mga magulang na kailan man ay hindi mananakaw ng iba pero pwedi mong ipamahagi sa iba.
Image result for money        Pera ang bagay na nagsisilbing pamalit upang mabili nila ang pangunahing pangangailangan at gusto ng bawat tao sa pang araw-araw.Ito ang bagay na sinikap at pinagtatrabahuan ng mga tao upang maibigay nila ang pangangailangan ng kanilang pamilya.Pera ang dahilan kung ba't nagtiis ang mga tao na magtrabaho sa ibang bansa kahit napakahirap sa kanila ang mapalayo sa kanilang pamilya .Pera di ang dahilan kung bakit ang ibang tao ay naging sunod sunuran kahit sa maling bagay.Sa mga mayayaman din pera ang ginagamit para maging malinis ang kanilang mga pangalan.
       Ngunit kahit napakarami pa ang iyong pera kung hindi marunong magdala at itoy nagamit sa maling bagay posibleng itong mawala sa isang saglit.Kaya itatak sa ating mga isipan na ang eduksyon ay nagbibigay kaalaman at kailan man ay hindi mawawala dahil itoy nakabaon sa ating utak.Utak na siyang nagproproseso upang mabuo ang mga bagay-bagay o plano at nagpapagalaw ng ating katawan,kaya ugali o siguraduhing maraming laman ang ating utak para hindi tayo maluko.Dahil ang pera ay madali lang makita kung pagsisikapan lalo na kung may pinag-aralan ka.Kaya ugaliing edukasyon ang uunahin kaysa humanap ng pera,lalo na sa panahon ngayon na edukasyon na ang binabasihan kaysa kung saan yang mayamang pamilya nagmula.